Tuesday, February 12, 2013

Ogie Alcasid performs at a three-show concert tour in California - Posted on: 2013-02-04 18:05:59

Nakabalik na ng Pilipinas si Ogie Alcasid mula sa ilang araw na pananatili sa California, USA.

Nagkaroon siya ng tatlong shows doon, kasama si Angeline Quinto.

Isa sa tatlong shows ay ginanap sa Hanford, California; at dalawa naman sa Cache Creek Casino sa Brooks, California, malapit sa Sacramento.

Ayon sa singer and songwriter, masaya siya sa matagumpay na shows nila ni Angeline sa California.

MORE SHOWS WITH ANGELINE. Sabi naman ng manager ni Ogie na si Leo Dominguez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napatunayan niya na may chemistry sina at Ogie at Angeline sa stage, kaya siguradong mauulit pa raw ang show at willing silang gumawa muli ng series of shows sa iba pang mga bansa.

?Okay iyong shows nina Ogie at Angeline, may chemistry silang dalawa, kaya nakakatuwa.

"Natuwa ang mga tao sa kanila,? pahayag ni Leo.

Hindi na nagtagal sa Amerika ang pangulo ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) dahil marami pa raw itong commitments dito sa bansa.

Pati si Angeline ay umuwi rin kaagad upang mag-taping para sa afternoon series sa ABS-CBN, Kahit Konting Pagtingin, kung saan ang isa sa mga kapareha nito ay ang alaga rin ni Leo na si Paulo Avelino.

NEW ACHIEVEMENTS. Bago umalis ng bansa, nakausap din ng PEP si Ogie at masaya nitong ibinalita na ang 25th anniversary CD niya under Universal Records, The Songwriter and The Hitmakers, ay nag-Number One na sa Odyssey at Astro Vision record bars.

?Good news talaga iyon, kaya I?m so happy.

"?Tapos naka-gold na rin siya, so, very thankful talaga ako!? sabi ni Ogie patungkol sa asawang si Regine Velasquez-Alcasid.

Bukod sa tagumpay ng kanyang silver anniversary CD, ikinuwento rin ni Ogie na nag-record siya kamakailan ng awitin para sa sa series ng TV5 na Never Say Goodbye.

Ang awitin ay pinamagatang "Ang Aking Puso," na isinulat niya para maging theme song ng naturang programa.

Source: http://www.pep.ph/articles/28380/Ogie-Alcasid-performs-at-a-three-show-concert-tour-in-California

Ebates lotto Illinois Lottery texas lottery Dell Levis Fireman Ed

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.